Sampung bagay na naglalaro sa aking isipan... 1. Nung huli kong makausap ang aking kapatid na lalaki, nabanggit niya ang katagang "racial cleansing" sa harap ng aming diskusyon sa pulitika. Aming napag-usapan ang mga posibilidad kung hindi napatalsik ang rehimeng Marcos... 2. Naninindigan ang aking ina na hindi lehitimong pangulo si PGMA bagamat nasambit kong hindi man lehitimo, sino naman ang karapat dapat? 3.Dalawang beses ko ng nakasalu sa inuman ang aking Ama at ang pinakamahalagang sinabi niya sa akin ay ang paghingi ng kapatawaran sa mga nagawa niya sa amin. 4. Hindi ko lubos maisip kung bakit hindi pa nareresolba kung sino talaga ang pumatay kay Ninoy Aquino. Maraming teorya ngunit mahalaga na sana'y mapahayag kung sino ang may sala. 5. Masyadong mahal ang usapang pangkapayapaan. 6. Nakakatakot pakinggan ang mga religious fundamentalists pero kung hindi ka naman makikinig... wala ka ng ibang magagawa kundi magpalahi... 7. Nakakabahala ang pilosopiya ni Manong Dolphy, wala daw siyang pinagsisihan pero nasusuklam siya sa kanyang sarili. 8. Kung gusto mo ng isang radikal na pagbabago, magpasabog ka ng bomba. Pero, kung katulad ng paunti-unting pagpapasabog lamang, malamang mabagal ang pagbabagong iyan. Ikumpara mo naman ang bomba sa Hiroshima at ang pangyayari sa twin towers; alin ba dito ang pagbabagong gusto mo? 9. Hindi mamamatay ang usaping pangkalayaan. Sino ba ang malaya? 10. Bakit kapa nag-aaral kung alam mong sa huli'y hindi mo naman gagamitin ang iyong pinag-aralan?
No comments:
Post a Comment
What do you think?