Monday, July 28, 2008

Walang Iwanan





Walang Iwanan...

Gaano tayo katatag sa ating paninindigan? Gaano tayo katagal sa pagtitis sa ating kinasasadlakan? Kailan ka nagmuni-muni kaibigan para sa kinabukasan ng ating bayan? Dili kaya'y sarili mo lamang ang iyong iniisip, pansariling kapakanan, pansariling pangarap...

Tayong lahat ay may pananagutan sa kapuwa. Ang ating mga anak, bilang regalo ni Bathala ay hindi kailanman atin kundi sila'y mga hiram mula sa Dakilang Maykapal upang ipunla sa mabuting lupa at payabungin hanggang sa sila'y makapagbigay ng binhi ng kabutihan.

Ang Pilipino ay hindi isinumpang lahi. Hindi tayo isinumpa para manatiling alipin ng mga dayuhang walang hinangad kundi pairalin ang kanilang batas na sila lamang ang sumulat. Alalahanin natin na ang sagradong dugo at pawis ng mga bayani ay bumuhos sa lupang Hinirang upang ipabatid ang mensahe na tayo'y may sariling pagkakakilanlan. Tayo ay buhay. Tayo ay nabubuhay hindi para yumukod sa mali at baluktot na paninindigan. Tayo ay lumuluha, hindi lamang dahil sa sakit ng katawan kundi sa katotohanang gusto nating sumigaw ng malaya at dumaan sa tahak na hindi niyuyurakan ang ating pagkatao. Ang panahon ay ngayon at ang ngayon ang nagbabadya sa hinaharap.

No comments:

Post a Comment

What do you think?