Wednesday, March 25, 2009
Tuition Fee Hike
Nakakainis hindi ba? The CHED does cha-cha over their stand on schools who are requesting some tuition fee hike amidst the economic slowdown that the Philippines is on (Economic slowdown, not recession according to Winnie Monsod). Ang masaklap pa nito, maraming mga paaralan sa bansa ang abuso sa kanilang deregulated status na kesyo hindi na sila sakop ng CHED moratoriums eh halabira na silang gawin ang gusto nila at the expense of the "kawawang" parents (na nagkakanda-kuba na sa tuyot na sakahan na pagmamay-ari ng iba). Marami ding hanep ang sakripisyo, tigil-aral kasi hindi na kayang tustusan. Pero hindi kailangan masadlak nalang sa ganitong sitwasyon. Kung talagang magaling ka, puwede kang magbanat ng buto at labanan ang sistemang dulot ng kawalanghiyaan ng mga ilang paaralan, ang kakitiran ng mga utak ng mga nasa sangay ng pagbalangkas ng mga polisiya sa Edukasyon at iba pang awtoridad. Utak niyo amag!
Worse, karamihan ng mga estudyante ay feeling! Wala lang sa kanila ang mga aspetong ito bagkus mas inintindi pa ang pagliit ng kanilang kupit mula sa kanilang ibabayad sanang tuition fee sa kanilang paaralan para matustusan lamang ang kanilang luho: bisyong alak, babae, drugs, yosi, textmates, computer games, atbpa. (Huwag ka, totoo ito... nakatira ako sa community na maraming nagpapaboarding kaya alam ko ang huwisyo ng maraaming estudyante.). Imbes na mag-aral ng mabuti para kapag naka-top eh makadiscount or ma-exempt sa exam ng maging proud naman ang parents, hayun naroon sila sa kanto kanto ng Mormon's Church patext-text at pabaske-basketball... Hay buhay! Mabuti na lamang ay walang tuition fee hike sa LC. Pero hanggang kailan? Ano naman ang mga masasakripisyong services? Hindi naman ito magic magic para ignorin ang needs ng school para sa isang de-kalidad na Edukasyon at para sa mga empleyado nito. Pero saludo ako sa LC, katulad din ng ilang schools sa Dagupan sapagkat kasama nila ang parents na tumitiklop sa panahon ng krisis pang-ekonomiya na nararanasan ngayon. Matatandaan na hindi lamang sa taong ito nagkaroon ng "No tuition Fee Hike" sa LC kundi nagkaroon din ng ilang payment scheme sa naturang paaralan kagaya ng O down payment, enrol now pay later, etc.
Kaya mga estudyang pulpol... Huwag na kayong mag-aral kung hindi niyo kayang ayusin ang buhay niyo. Kung mahal niyo ang pamilya niyo; Makisama kayo sa pagtitipid. Nag-imbestiga na ba kayo kung nagmemeryenda ang nanay o kaya tatay niyo, may maiabot lang na datung na siyang kakaltasan niyo lang sa bandang huli? Kaya pala walang naglalakas-loob sa inyo para salungatin at ipaglaban ang karapatan sa school kasi karamihan mismong mga estudyante lalu na ang mga lider lideran, mga nagsisimula sa mababang uri ng corruption... ang "pagkupit" sa tuition fee. At ano ang susunod na mangyayari? "Infection", na magdudulot ng "chronic" na sakit na matindi pa sa TB na tatama sa inyong buong pagkatao at magpapahirap sa buong bansang Pilipinas. At pagkatapos, maninisi kayo ng iba? What a lame excuse!
Hay buhay... gising gising! Makibahagi sa pagtiklop, hindi lang school ang dapat gumawa ng paraan. Kayo din. Nakita niyo naba ang mga estudyyante ng DMMMSU? Maraming naglalakad hindi ba? I-divert ang ilang energy para makatipid. Gamitin ang utak hindi ang utak sa ibaba... turn off the TV when the freak shows are there, watch programs that matters. Hindi yung mga programang nagpro-promote ng hindi matalino at realistikong pakikipagrelasyon, "marami na pong tao sa Pilipinas buhay ng mga artista parin ang pinoproblema..."
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
nice post.. saw you in mylot.. care for a link exchange?
ReplyDeletehttp://pinoydeal11.blogspot.com
http://callcenterdotcom.blogspot.com
http://imagesdotcom.blogspot.com