Thursday, March 25, 2010

The Way of the White Couds

Buddha is reported to have said:
‘Just like a white cloud disappearing’.
A white cloud is a mystery—
the coming, the going, the very being of it.

A white cloud exists without any roots—
it is an unrooted phenomenon, grounded nowhere,
or grounded in the nowhere.
But it still exists.
A white cloud really has no way of his own.
It drifts. It has nowhere to reach, no destination,
no destiny to be fulfilled, no end.
You cannot frustrate a white cloud
because wherever it reaches is the goal.
Enlightened One's come and go,
just like white clouds in the blue sky,
without leaving a trace.

Peace
KP

Tuition Fee Increase

Patuloy ang pagpapahirap sa mga estudyante dahil sa mga nakaambang resulta ng pagtaas ng matrikula sa mga paaralan sa Pilipinas. Hindi lamang ang PUP ang may ganitong sitwasyon sa ating bansa. Habang patuloy ang komersyalisasyon ng Edukasyon sa Pilipinas at hindi pagtutok ng mga kinauukulan, lalung lalo na ang gobyerno sa kalidad ng Edukasyon; nananatiling biktima ang mga kabataang Pilipino, ang kanilang mga magulang o mga nagpapaaral sa panganib na maidudulot nito sa kanilang kinabukasan. Ang PUP, bagama't may mga organisasyong tumatayong mata at boses sa naturang mga hinaing ng mga estudyante ay maaring mauwi lamang sa wala ang kanilang mga pinaglalaban kung hindi mareresolba sa pamamagitan ng dialogo o matinong pag-uusap upang mailahad ang mga isyung kaakibat nito kasama na ang agarang resolusyon. Paano na lamang ang ibang mga paaralan na walang organisadong liderato ng mga estudyante? Mananatiling busal ang mga kanilang mga bibig sa mga ganitong usapin at patuloy ang mga ganitong klase ng paglabag ng mga namamahala ng kani kanilang mga paaralan. Hindi rin bago ang naturang usapin sa mga ilang paaralang may mga student council ngunit ang kanilang liderato ay PAPET ng kanilang school administration. Oo, inuuna ang pampisikal na hitsura ng paarala, maaring mabuti nga sa imahe nito at makaakit ng iba pang mga mageenrol subalit pinunan ba nila ang mga kakulangan sa mga pangangailangan sa pagtuturo at mga importanteng gamit para itaas ang kalidad ng edukasyon?

Hindi na dapat mauwi sa marahas na demonstrasyon ang mga estudyante ngunit nakakapanggalaiti ang kawalan ng tainga ng mga taong nasa CHED na ibalik ang naturang usaping sa mga school administration ng PUP na ayon sa mga militanteng estudyante ay hindi handa sa pakikinig at bagkus hindi tapat sa kanilang mga tinuran para resolbahin ang naturang usapin.

Nawa'y hindi ganito ang klase ng pamamalakad ng mga ibang school administrators. Dapat sila maging handa at tapat sa estudyante sapagkat ang huli ang mga nakikinabang sa mga teorya at mahahalagang balangkas ng aralin na kanilang itinuturo. Kung ganito man lang ang sistema, marahil tama nga si Osyo na lahat ng mga tagapagturo sa paaralan ay sinungaling simula't sapol pa.